Saturday, August 04, 2012

Ang Novena Para Sa Ating Mga Mahal Na Yumao

SANTO ROSARYO NG MAHAL NA BIRHEN / ROSARIO NG PAGHIHIRAP

Panginoon ko, buksan po Ninyo ang aming mga labi, papag-alabin ang aming mga loob, at pakalinisin sa mga walang kapakanan at mg likong akala; liwanagin po Ninyo and aming bait, papagnignasin ang aming mga puso nang magunamgunam naming mataimtim ang kamahal-mahalan Ninyong pinagdaanang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinaralita ng Inyong marangal na Ina, at maging dapat kaming di-matingkalang kapangyarihan; na nabubuhay Kayo at naghahari, magpasawalang-hanggan.  Siya nawa.

ANG SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.  Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.  Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang birhen.  PInagpakasakit ni Ponsio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing.  Nanaog sa mga kinaroroonan ng mga yumao; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.  Umakyat sa langit; naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.  Doon magmumula't paririto at huhukom sa ngangabuhay at nangamatay na tao.  Sumasampalatay naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa may Santa Iglesya Katolika; may kasamahan ng mga Santo, sa ikawawala ng mga kasalana; sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.  Amen.

ANG AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit Ka.  Sambahin ang ngalan Mo.  Mapasa-amin ang Kaharian Mo.  Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.  At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa nangagkakasala sa amin.  At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa lahat ng masama.  Amen.

ANG ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya, ang panginoong Diyos ay samasa-iyo.  Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.

Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalan, ngayon at kung kami'y mamamatay.  Amen.

ANG GLORIA

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo.

Kapara nang sa una gayon din ngayon at magpakailan pa man sa walang hanggan.  Siya nawa.

MGA MISTERYO NG TUWA
(Tuwing Lunes at Sabado)

1.  Ang pagbati ng anghel sa Mahal na Birhen.
2.  Ang pagdalaw ng Bierheng Maria kay Sta. Isabel.
3.  Ang pagsilang sa daigdig ng Anak ng Diyos.
4.  Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos.
5.  Ang pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem.

MGA MISTERYO NG HAPIS
(Tuwing Martes at Biyernes)

1.  Ang panalangin sa Halamanan.
2.  Ang paghampas kay Hesus na nagagapos sa Haliging Bato.
3.  Ang pagpuputong ng Koronang Tinik
4.  Ang pagpasan ng Krus
5.  Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa Krus.

MGA MISTERYO NG LIWANAG
(Tuwing Huwebes)

1.  Sa Kanyang binyag sa ilog Jordan.
 2.  Sa Kanyang pagpapahayag ng Kanyang sarili sa kasalan sa Cana.
3.  Sa Kanyang pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago.
4.  Sa Kanyang pagbabagong-anyo.
5.  Sa Kanyang pagtatag ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryo ng Paskawal.

MGA MISTERYO NG LUWALHATI
(Tuwing Miyerkules at Linggo)

1.  Ang pagkabuhay ng mag-uli ni Hesukristo.
2.  Ang pag-akyat sa langit ni Hesukristo.
3.  Ang pagpanaog ng Espiritu Santo.
4.  Ang pag-aakyat sa langit ng Mahal na Birhen.
5.  Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen.


Pagkatapos ng bawa't Misteryo

O Hesus Ko, patawarin Mo ang aming mga sala.
Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno.
Akayin Mo ang mga kaluluwa sa langit
Lalung-lao na yaong mga walang nakaaalala!

- or -

Ang walang pamamayapa ay igawad Ninyo sa [kaluluwa ni _____ | kanila], O Panginoon.
At sumikat sa [kanya | kanila] ang walang hanggang liwanag.

Mamahinga nawa [siya | sila] sa kapayapaan.
Siya nawa.

ANG ABA PO SANTA MARIANG HARI

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.
Ikaw ang kabuhayan at katamisan;
Aba pinananaligan ka namin.
Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva.
Ikaw rin ang pinabubuntuhang-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahpis-hapis.
Ay Aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakit mo sa amin ang Iyong Anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.
L:  Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantu-santuhang Rosaryo.
R:  Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Panalangin

Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinagpagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli; ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilaynilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan doon, kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa min; alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin, na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.  Siya Nawa.

L:  Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal
R:  Siya nawa.
L:  Pumayapa nawa ang kaluluwa ng mga yumao sa grasya ng Panginoong Diyos.
R:  Siya nawa.
L:  Manatili nawa sa atin ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
R:  Amen.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home