Ang Novena Para Sa Ating Mga Mahal Na Yumao
ROSARIO NG PAGHIHIRAP(Sa mga butil ng misteryno na para sa AMA NAMIN)
Lubhang maawaing Hesus ko, lingapin Ninyo ng matang maamo ang [kaluluwa ni _____ ng | mga kaluluwa ng mga] binyagang namatay na, na dahil sa [kanya | kanila] ay nagpakasakit Kayo at namatay sa Krus. Siya nawa.
(Sa mga butil para sa ABA GINOONG MARIA)
1. Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugong Inyong ipinawis nang manalangin Kayo sa Halamanan.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
2. Hesus ko, alang-alang sa tampal na Inyong tinanggap sa inyong kagalang-galang na mukha.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
3. Hesus ko, alang-alang sa masakit na hampas na Inyong tiniis.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
4. Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santusan Ninyong ulo.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
5. Hesus ko, alang-alang sa paglakad Ninyo sa lansangan ng Kapaitan na ang Krus ay Inyong pasanpasan.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
6. Hesus ko, alang-alang sa kasantusantusan Ninyong mukha na naliligo sa dugo at Inyong binayaang malarawan sa birang ni Veronica.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
7. Hesus ko, alang-alang sa damit Ninyong natigmak ng dugo na biglang pinunit at hinubad sa Inyong katawan niyong mga tampalasan.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
8. Hesus ko, alang-alang sa kasantusantusan Ninyong katawan na napako sa Krus.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
9. Hesus ko, alang-alang sa kasantusantusang paa at kamay Ninyong pinakuan ng mga pakong ipinagdalita Ninyong masakit.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
10. Hesus ko, alang-alang sa tagiliran Ninyong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at binukalan ng dugo at tubig.
Kaawaan po Ninyo't patawarin ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo].
PAGHAHAIN
(Sinipi sa isang panalangin ni San Agustin)
Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop sa sangkatauhan, ay inibig Ninyong Kayo ay ipanganak, tumulo ang Inyong mahalagang dugo sa circumcision, inalipusta ng mga Hudyo; napasakamay niyong mga tampalasan sa paghalik ni Hudas; ginapos ng mga lubid; dinala sa pagpaparipahan sa Inyo, tulad sa Korderong walang sala; iniharap kay Anas, kay Kaypas, Kay Pilato at kay Herodes; niluran, pinaratangan at pinatutohanan ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natadtad ng sugat ang buo Ninyong katawan sa hampas ng disciplina; pinutungan ng koronating tinik, natakpan ang Inyong mukha ng isang purpura, sa pagpapalibhasa sa Inyo, nalagay sa isang pagkahubong kahiya-hiya, napako sa Krus at natindig sa kanya; napagitna sa dalawang magnanakaw, na parang isa sa kanila; pinainom ng apdong nilahukan ng suka, at ang Inyong tagiliran ay sinila ng isang sibat. Hanguin na po Ninyo, Panginoon ko, alang-alang duon sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain Ninyo ang [kaluluwa ni _____ | mga kaluluwa sa Purgatoryo] sa pagdurusa [niya | nila], iakyat Ninyo [siya | sila] ng mangatiwasay sa Inyong kaluwalhatian; at iligtas Ninyo kami, alang-alang sa mga karapatan ng Inyong kasantusantusang pagpapakasakit, at pagkamatay Ninyo sa Krus, sa mga hirap sa Impiyerno, nang kami ay maging dapat pumasok sa payapang kaharian ng Inyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakisama sa Inyong naparipa sa Krus; nabubuhay Kayo at nag-hahari na kasama ng Diyos Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Siya nawa.
LITANYA PARA SA MGA PATAY
Panginoon, maawa Kayo sa amin.
Panginoon, maawa Kayo sa amin.
Kristo, maawa Kayo sa amin.
Kristo, maawa Kayo sa amin.
Panginoon, maawa Kayo sa amin.
Panginoon, maawa Kayo sa amin.
Kristo, pakinggan Ninyo kami.
Kristo, pakapakinggan Ninyo kami.
Diyos Ama sa Langit,
maawa Kayo sa [kaluluwa ni _____ na matapat | mga kaluluwa ng mga matatapat] na yumao na.
Diyos Anak ng Tagapagligtas ng daigdig,
maawa Kayo sa [kaluluwa ni _____ na matapat | mga kaluluwa ng mga matatapat] na yumao na.
Diyos Espiritu Santo,
maawa Kayo sa [kaluluwa ni _____ na matapat | mga kaluluwa ng mga matatapat] na yumao na.
Santa Marya, *
Santang Ina ng Diyos,
Santang Birhen ng mga birhen,
San Miguel,
Kayong lahat ng mga anghel at arkanghel,
Lahat ng orden ng mga banal na espiritu,
San Huwan Bautista,
San Huse,
Kayong lahat ng mga patiyarka at propeta,
San Pedro,
San Pablo,
San Huwan,
Kayong lahat na mga apostol at ebanghelista,
San Esteban,
San Lorenso,
Kayong lahat ng mga martir,
San Gregoryo,
San Ambrosyo,
San Agustin,
San Geronimo,
Kayong lahat na mga banal na obispo at mga kumpisor,
Kayong lahat na mga banal na duktor ng Simbahan,
Kayong lahat na mga banal na pare at lebita,
Kayong lahat na mga banal na monghe at ermitanyo,
Santa Magdalena,
Santa Barbara,
Kayong lahat na mga banal na birhen at mga balao,
Kayong lahat na mga Santo ng Diyos,
- - - - -
* Ipanalangin mo [siya | sila].
Maging maawain Kayo,
iligtas po Ninyo [ang kaluluwa ni _____ | sila], O Panginoon.
Maging maawain Kayo,
pakapakinggan po Ninyo [siya | sila], O Panginoon.
Sa dilang kasamaan, **
Sa Inyong poot,
Sa bagsik ng Inyong katarungan,
Sa kapangyarihan ng demonyo,
Sa nagngangalit na uod ng budhi,
Sa malawig na lumbay,
Sa walang hanggang ningas ng apoy,
Sa di-matiis na lamig,
Sa kasindak-sindak na dilim,
Sa kahindik-hindik (lubhang nakatatakot) na pananangis at paghihinagpis,
Alang-alang sa mahiwagang paglilihi sa Inyo,
Alang-alang sa Inyong banal na kapanganakan,
Alang-alang sa Inyong napakatamis na Pangalan,
Alang-alang sa pagkabinyag sa Inyo at Inyong banal na nag-aayuno,
Alang-alang sa Inyong labis na pagkaduhagi,
Alang-alang sa Inyong kagyat na pagkamasunurin,
Alang-alang sa Inyong walang katapusang pag-ibig,
Alang-alang sa Inyong lumbay at sakit,
Alang-alang sa Inyong madugong pawis,
Alang-alang sa Inyong gapos,
Alang-alang sa Inyong pagkakapaghirap,
Alang-alang sa pagpuputong sa Inyo ng koronang tinik,
Alang-alang sa Inyong pagpapasan ng Krus,
Alang-alang sa Inyong kalagim-lagim na kamatayan,
Alang-alang sa Inyong banal na pagkabuhay na mag-uli,
- - - - -
** O Panginoon, iligtas po Ninyo [siya | sila].
Alang-alang sa Inyong kahangahangang pag-akyat sa Langit, ***
Alang-alang sa pagpanaog ng Espiritu Santo,
Sa araw ng paghuhukom,
Kaming mga makasalanan,
Kayong nagpatawad kay Magdalena at duminig ng panalangin noong magnanakaw,
Kayong kusang nagliligtas sa Inyong mga hinirang,
Kayong may susi sa kamatayan at impiyerno,
Na Kayo ay masisiyahang magligtas ng mga kaluluwa ng aming mga magulang, mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga taga-tangkilik, sa mga sakit ng impiyerno,
Na masisiyahan Kayong magbigay ng lahat ng kanilang kahilingan,
Na Kayo ay masisiyahan tumanggap sa kanila sa samahan ng mga banal,
Hari ng kasindak-sindak na kataasan,
Anak ng Diyos,
- - - - -
*** O Panginoon, isinasamo naming pakinggan Ninyo kami.
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan,
bigyan po Ninyo [ng kapahingahan ang kaluluwa ni _____, O Panginoon | sila ng kapahingahan].
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sansinukuban,
bigyan po Ninyo [ng kapahingahan ang kaluluwa ni _____, O Panginoon | sila ng kapahingahan].
Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpang Langit,
bigyan po Ninyo [ng kapahingahan ang kaluluwa ni _____, O Panginoon | sila ng kapahingahan].
Kristo, pakinggan Ninyo kami.
Kristo, pakapakinggan Ninyo kami.
Panginoon, maawa Kayo.
Kristo, maawa Kayo.
Sa pintuan ng impiyerno,
iligtas po Ninyo ang [kaluluwa ni _____ | kanilang kaluluwa], O Panginoon.
O Panginoon, dinggin Ninyo ang aming panalangin,
at paabutin po sa Inyo ang aming pagtawag.
MANALANGIN TAYO
O Panginoon, Maykapal at Tagapagligtas ng sankatauhan, patawarin po Ninyo ang mga kasalanan ng inyong [lingkod na si _____ na yumao | mga lingkod na nagsiyao] na; nang nuo'y alang-alang sa mga banal na pagdaing, matamo [niya | nila] ang mga kapatawarang lagi [niyang | nilang] ninanais. Ipahintulot po Ninyo ito, O Panginoon, na nagbubuhay at naghaharing magpasawalang-hanggan siya nawa.
O Diyos na walang hanggan, na bukod sa pagkalahatang batas ng pagkakawanggawa, ay nag-atas ng tanging paggalang sa mga magulang, mga kamag-anak, at mga takatangkilik; isinasamo namin sa Inyo na alang-alang sa kanilang pagiging kasangkapan Ninyo sa pagsisilang sa amin, pagmumulat sa amin sa karunungan, at pagbibigay sa amin ng di-mabilang na grasya, ipahintulot po Ninyo na ang aming mga panalangin ay maging dahil ng pagtatamo nila ng maagang pagkakahango sa kanilang mabigat na pagsasakit, at malayang tanggapin sila sa Inyong walang hanggang kaligayahan, alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin. Siya nawa.
Ang walang hanggang pamamayapa ay igawad Ninyo sa [kaluluwa ni _____ | kanila], O Panginoon.
At sumikat sa [kanya | kanila] ang walang hanggang liwanag.
Mamahinga nawa [siya | sila] sa kapayapaan.
Siya nawa.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home