Ang Novena Para Sa Ating Mga Mahal Na Yumao
PANALANGIN PARA SA ARAW-ARAWMakapangyayari sa lahat at lubhang maawaing Panginoon, Hesus, na masintahin sa mga puso kahanga-hanga sa Inyong mga Santo; dinggin Ninyo ang mga hibik at mga dain ng [banal na kaluluwa ni _____ | mga banal na kaluluwa sa Purgatoryo] na nagnanasang magkamit ng Inyong awa at ng mga panalangin ng masintahin sa [kanya | kanila] na ginagawa sa nobenang ito upang makamit [niya | nila] ang inyong awa at hanguin [siya | sila] duon sa mabangis na bilangguang [kanyang | kanilang] pinagdurusahan. Isinasamo namin sa Inyo na siyang unang magkamit-tulong yaong nangagdaralita dahil sa amin, ang malalapit naming kamag-anak, ang lalong walang umaalala at mga malapit nang mahango sa Purgatoryo. Isinasamo rin po namin sa Inyo, tangi sa lahat, ang mga lalong nagpasakit sa amin, at hanguin po Ninyo sa pagkakasala yaong nangalulugmok sa kasalanang dakila at iuwin Ninyo sila sa tunay na pagsisisi ng kanilang kasalanan, at pagkalooban Ninyo kami ng Inyong grasya upang di kami magkasala sa Inyo, at ng lalong dapat sa amin ikapapasa-Langit. Siya nawa.
MGA TANGING DASAL SA BAWA'T ARAW
UNANG ARAW
(Magdasal ng tatlong ABA PO SANTA MARYANG HARI kay Santa Maria.)
Panalangin
Panginoon ko, dinggin at tanggapin Ninyo ang aming mga daing, dalangin at pagsasakit para sa ikahahango sa pagdurusa ng [banal na kaluluwa ni _____ | mga banal na kaluluwa sa Purgatoryo\ na aming pinatutungkulan ng nobenang ito; at alang-alang sa pagmamahal sa Inyo ni Santa Maryang Birhen, iakyat po Ninyo [siya | sila] sa bayan ng mga buhay at kalagan po Ninyo sa pagkakabilanggo sa kasalanang dakila ang mga nalulugmok dito; at sa amin igawad Ninyo ang Inyong grasya alang-alang sa mga hirap na tiniis ng Mahal Ninyong Ina, nang Kayo ay subaybayan sa landas ng kapitan hanggang sumapit sa bundok ng kalbaryo; at igawad Ninyo rin ang hinihiling namin sa nobenang ito para sa Inyong dakilang karangalan at kaluwalhatian. Siya nawa.
(Hingi dito nang tahimik ang nais matamo sa nobenang ito.)
IKALAWANG ARAW
{Magdasal ng limang AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA bilang paggalang sa limang sugat ni Hesukristo at kay Mariang lubhang nahahapis.)
Panalangin
Panginoong lubhang maawain, masintahing tanto sa ikagiginhawa ng tao, ipinag-aamo-amo ko sa Inyo alang-alang duon sa hapis ng kabanal-banalang Ina Ninyo nang nagpakasakit at naghihingalo Kayo sa kamahal-mahalang kahoy sa Krus, na ang banal na kaluluwa na matiwawa duon sa kasakitan sa Purgatoryo, at lalung-lalo na yaong [kaluluwa ni _____ na | mga kaluluwang] ipinag-aam-amo namin sa Inyo sa nobenant ito na pagkamtin Ninyo [siya | sila] ng indulhensiya (o patawad) na ipinagkaloob ng lubhang magagaling na Pontipise sa ikagiginhawa [niya | nila] sa lahat ng mga Religiosos, mga kapatiran at kapisanan at iuwi po Ninyo sa tutuong pagkilala ng [kanyang | kanilang] mga kasalanan at nangangalubog dito at ipagkaloob sa amin ang hinihingi namin sa Inyo sa nobenang ito sa lalong kapurihan at kaluwalhatian Ninyo. Siya nawa.
IKATLONG ARAW
{Magdasal ng tatlong AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA at LUWALHATI bilang paggalang sa Patiyarkang San Huse.)
Panalangin
Diyos at Panginoon na makapangyarihan sa lahat, na kailanman ay hindi hiningan ng di-inaasahang makamtan alang-alang sa tulong ng maluwalhating Amang si Poon San Huse at alang-alang din sa saklolo ng Inyong mahabaging Ina, tanging paakundang duon sa hapis na kinamtan nang makita niya Kayo na naghihingalo sa Krus, at iuwin Ninyo sa Inyong grasya ang nasasalat nito dahilan sa kasalanan namin sa laong kapurihan at kaluwalhatian Ninyo. Siya nawa.
IKAAPAT NA ARAW
(Dasaling makaapat ang AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA at LUWALHATI, bilang paggalang kina San Huwakin at Santa Ana.)
Panalangin
Kataas-taasang Diyos na dahil sa awa Ninyo, mangahihimbing sa kaluwalhatian ang mga santo Ninyo. Isinasamo namin sa Inyo alang-alang sa pagtangkilik ni San Huwakin at Poon Santa Ana, ay matimawa sa pagsasakit nila ang [kaluluwa ni _____ na | mga kaluluwa lalung-lao yaong mga] idinadalangin namin dito. Dinggin po Ninyo kami, Panginoon, alang-alang sa mga sakit na tiniis ng Inyong Inang nagdadalamhati angn marinig ang mga pag-alimura sa Inyong kawalang-malay (Innocence) sa kasalanan at kahabagan po Ninyo, Panginoon, yaong mga patungo sa kanilang landas ng kapahamakan dahil sa pananatili sa pagkakasal. Ibalik po Ninyo sila sa Inyong grasya, at igawad Ninyo sa nobenang ito, para sa Inyong karangalan at kaluwalhatian. Siya nawa.
IKALIMANG ARAW
(Magdasal ng apat na AMA NAMIN at ABA GINOONG MARIA, bilang paggalang at pagluwalhati kay San Miguel.)
Panalangin
Di matingkalang Panginoon, na dating maawain pakundangan sa tulong ng Arkanghel San Miguel, at sa mga hapis na dinalita ng kabanal-banalang Ina Ninyo nang sulain ng sibat ng mabangis na suldado ang kagalanggalang Ninyong Dibdib at sugatan ang masintahing puso Ninyong mahal: isinasamo po namin sa Inyo na ang [kaluluwa ni ____ na | mga kaluluwang] pinatutungkulan namin ay magkamit ng Inyong kaluwalhatiang walang hanggan at mahabag kayo sa mga nasa kasalanang dakila at igawad sa amin ang hinihingi namin sa nobenang ito para sa Inyong kapurihan at kaluwalhatian. Siya nawa.
IKAANIM NA ARAW
(Dasaling makalima ang AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA at LUWALHATI, bilang galang kay San Lorenso tanging makapagkalinga sa mga kaluluwa.)
Panalangin
Katamis-tamisang Hesus ng aming buhay, ihinggil mo ang Iyong awa sa mga pagdaing namin, at hinihingi namin sa Inyo na magkamit ng mga awa Ninyo, ang [banal na kaluluwa ni _____ na | mga banal na kaluluwa sa Purgatoryo, lalo na yaong nga] pinag-uukulan namin ng nobenang ito, alang-alang sa mga sakit na dinalita sa apoy ng kanyang kahirapan ng maluwalhating San Lorenso, at lalo pa namn sa mga tiniis ng Iyong mahal na Ina nang makita niyang tanggalin Kayo sa Krus at gawarin niya sa mga manhal niyang kamay ang koronat at mga pako, na nangapipigta ng mahal Ninyong Dugo, at kahabagan Ninyo ang mga nawala sa Inyong grasya na paghanguin Ninyo sila sa lagay na kahabag-habag at ibigay po Ninyo sa amin ang hinihingi namin sa nobenant ito para sa lalong kapurihan at kaluwalhatian Ninyo. Siya nawa.
IKAPITONG ARAW
{Dasaling makasiyam ang AMA NAMIN at ABA GINOONG MARIA, bilang papuri sa siyam na pulutong ng mga Anghel.)
Panalangin
Kabanal-banalang Panginoon, alang-alang sa pamamagitan ng mga Anghel, lalung-lalo ng mga Anghel na tagatanod ng [kaluluwa ni _____ na | mga kaluluwang] aming idinadalangin ngayon, at alang-alang sa sakit na kinamtan ng Inyong mahal na Ina nang mahagkan na niya at sambahin ang korona at mga pako Ninyo, at ilagay niya sa kanyang kandungan ang Inyong kabanal-banalang Bangkay at panuurin ang Inyong nagkawindang-windang na Katawan, isinasamo namin sa Inyo nang tunay na pagpapakumbaba na hanguin Ninyo sa bilangguan apoy na lubha [niyang | nilang] pinagdurusahan at nang [siya'y | sila'y] mapasa-Inyong kaharian; at igawad Ninyo sa amin ang hinihingi namin sa nobenang ito para sa Inyong lalong kapurihan at kaluwalhatian. Siya nawa.
IKAWALONG ARAW
{Dasaling makalima ang AMA NAMIN at ABA GINOONG MARIA bilang galang sa mga masintahing Amang San Francisco at San Nicolas de Tolentino, mga tanging pintakasi ng kaluluwang banal.)
Panalangin
Katamis-tamisan at kaibig-ibig kong Hesus, alang-alang sa tulong ng kalinis-linisang sinisinta Ninyong si San Francisco, at ng maluwalhati at lubhang masintahing San Nicolas de Tolentino, dinadalangin namin sa Inyo, na kahabagan Ninyo yaong [banal na kaluluwa ni _____ na | mga banal na kaluluwa] ang mga sakit [niya | nila] ay lubhang makatigatig sa pagkakawanggawa nitong Inyong mga lingkod, alang-alang sa nagdudusang puso ng Inyong kabanal-banalang Ina nang kanyang damtan ang Inyong Kabanal-banalang Bangkay sa paglilibing at samahan Ito hanggang sa libingan. Akaying po Ninyo sa tunay na pagsisisi sa kanilang mga kasalanan ang mga makasalanan, at sa ami igawad po Ninyo ang aming hinihiling sa nobenang ti para sa higit na papurihan at kaluwalhatian. Siya nawa.
IKASIYAM NA ARAW
(Dasaling makalima ang SUMASAMPALATAYA, bilang galang sa mahal na Pasyon ng ating Panginoong Hesukristo.)
Panalangin
Panginoon, gumawa at sumakop sa lahat ng tao, alang-alang sa Inyong buhay, pagsasakit at kamtayan, isinasamo namin sa Inyo na ipagkaloob ang kapatawarang ninanais ng [kaluluwa ni _____ na | mga kaluluwa lalung-lao na doon sa] aming pinatungkulan ng nobenang ito. At sa pamamagitan ng mga panalangin at karapatan ng Inyong Inang lubhang nagdadalamhati, lalung-lalo na nang Kayo's iwan sa libingan at umuwi sila na wala ang liwanag ng kanyang mga mata at ang buhay ng kanyang puso, Kayo, Hesus ko, maawa po Kayo sa [banal na kaluluwa ni _____ | mga banal na kaluluwa] at angn tamasahin [niya | nila] Kayo sa Langit magpasawalang-hanggan. Kaawaan po Ninyo rin ang mga kahabag-habag na nap-aalipin sa mga demonyo nang manumbalik sa kanila ang Inyong grasya at igawad po Ninyo sa amin ang hinihingi namin sa Inyo sa nobenang ito para sa lalo Ninyong ikapupuri at ikaluluwalhati. Siya nawa.
PANGWAKAS NA PANALANGIN PARA SA ARAW-ARAW
Panginoon kon gDiyos na nag-niwn sa amin ng mga tanda ng Inyong mga pagsasakit sa mahal na kumot na ibinalot sa kamahal-mahalang Katawan Ninyo nang Kayo'y ibaba ni Huse sa Krus; alang-alang sa pagkamatay Ninyo at sa Inyong libingan, marapatin po Ninyo na makarating kami sa kaluwalhatian ng Pagkabuhay na mag-uli, na Inyong kinabubuhayan at pinaghaharian na kasama ng Ama at ng Banal na Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Siya nawa.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home